MALIKHAING PAGSULAT- MAKABAGONG TULA
"Sana'y Maibalik"
hindi ko alam! kung paano ko ba to sisimulan
hindi ko rin alam kung ano ba ang aking nararamdamn
hindi ko lubos maintindihan para saan ba to itong aking pinagsusulatan
bigla nalang may nagaabi saaking guni-guni
humawak ka ng ballpen at papel
isulat mo kung anong nararamdaman mo,
isulat mo kung anong sakit ang meron sayo.
ngunit sapat na ba to upang ilabas ang pighati't salimoot nanararamdaman?
parang sa tingin ko'y kulang pa
habang naalala ko ang mga kahapon
na kasama ko kayong dalawa
puno ng mga masasayang alaala
bawat pagising ko ng umaga
may nakahandang pagkain sa lamisa
sa hapon nama'y pinapalo ng tsinilas
kapag nahuhuling tumutakas
sa gabi'y kasama ko kayo sa pagtulog
magkahawak ang ating mga kamay
pinagmamasdan ang sarap pala ng hubay
kapag nandiyan iyong magulang.
marami pang mga alaala na nagbibigay lakas sakin
ngunit hindi maiiwasan na sa kabila ng mga masasayang alala-ala
ito mapala'y magdudulot ng ma salimoot na karanasan
ako'y nilamon ng bangungot na kay hirap magising
sa umaga, sa hapon, sa gabi na kay labo ng paligid
siguro ito naata ang kataposan ng aking kinabukasan.
umiiyak ng walang luha, umiiyak ng puno ng pagdurusa
lagi mapag-isa, laging tulala, puno ng kalungkutan sa mukha
at marami pang iba nasumira sa buhay ng isang tao aking naapakan
hindi ko alam, hindi lubos maintindihan ano ba itong aking nararamdaman?
siguro ito'y isang panaginip lang
sana isang panaginip lang
araw-araw kong inahangad sana'y maibalik ang kahapon
ang kahapon na araw-araw ko kayong nahahawakan
ang kahapon na araw-araw ko kayong nakakausap
ang kahapon na magkakatabi tayo matulog
ang kahapon na laging masaya sa harap ng lamisa habang kumakain
ang kahapon na buo pa ang isang pamilya!
ang kahapon na natatatawag ko pa kayong mama't papa
labing tatlong taon kong hinangad na sanay mayakap manlang at makausap
na itong mahinang anak at nabully ng nakararami'y
lumalaban sa mga pagsubok na aking naapakan.
Hindi ako magpapaalam kasi kahit sa panaginip malang
kayo'y makasama sobrang saya kona.
Comments
Post a Comment