"BAYAN NG KANOHA" - MAIKLING KWNETO
“Bayan ng Kanoha”
Dalawang magkaibigan
na pinagtagpo ng tadhana, magkaibang lahi at itinakdang magkaaway simula una hanggang
dulo sa katapusan ng mundo. Ang hinahangad ng dalawang lahi ay kapayapaan kung
kaninong lahi ang mamumuno at pagsasamahin sa isang bayan.
Sa isang nagtataasang
puno may isang batang nangunguha ng santol ipangalan natin siyang madra. si
madra ay galing sa bayan ng konucha, apat silang magkakapatid at siya ang
panganay na anak, ngunit sa kasamaang palad nasawi ang kanyang dalawang kapatid
sa dahil sa digmaang naganap. ang kanyang ama naman ang nagsisilbing hari sa
kanilang bayan ang nagging dahilan kung bakit nasama sa gulo ang dalawang
niyang anak.
Mahilig si madra
pumunta sa nagtataasang puno ng santol dahil dito niya pinapasyal yung kanyang
mga kapatid. Hanggang sa isang araw maynaabotan siyang isang batang umiiyak sa
ilalim ng punong santol. Ipangalan natin siyang hashimanra. Si hashimanra,
tulad din ni madra na siya ang panganay sa kanilang magkakapataid at ang
kanyang ama ang nagsisilbing hari din sa kanilang lugar (sanja).
Ang dalawang bayan ng
kunocha at sanja ang sinasabing itinakdang magkakaaway dahil ang layunin nila
ang makuha ang kapayapaan kung kaninong bayan ang mamumuno.
Naabotan ni madra si hashimanra
na umiiyak. Agad itong pinuntahan ni madra upang kausapin si hashimanra. Sa kabilang
dako I kwenento si hashimanra ang kanyang nararamdam. Ang puno’t dulo pala ng
mga pangyayare kung bakit umiiyak si hashimara kasi ang kayang paboritong bunso
na kapatid ay nasawi sa digmaan.
Malaki ang galit ni hashimanra
sa kanyang ama dahil pitong gulang palang ang bunso niyang kapatid ay sinali
ito sa digmaan. Ngunit walang nagawa si hashimanra kundi sundin ang inuutus ng
kanyang ama.
Si madra at si
hashimanra ay nagkakilala dahil pariho sila ng pinagdadaan. Ngunit sa kabila ng
kanilang pag-uusap tungkol sa buhay ay hindi nila pwedi ibahagi kung saang
bayan sila nakatira. Dahil ang unang tugon sa kanilang bayan ay “Wag ibahagi
kung saang bayan ka nakatira”. Dahil magdudulot ito ng kasawian.
Habang tumatagal si
madra at hashimanra ay lagi pumunta sa nagtataasang puno ng santol. Dito sila lagi
nagkakaroon ng Bonding sa isa’t isa hanggang sa tumagal nagging magkatalik
silang magkaibigan.
At dahil nga ang
dalawang ito ay anak ng dalawang hari sa kanilang bayan. Hindi malayo na silang
dalawang may tinatagong kapangyarihan na ipinamana sa kanilang magulang.
Si madra at si
hashimara ay napag-usapan nila ang tungkol sa kapayapaan ng kanilang bayan
(ngunit hindi nila alam na ang kanilang bayan pala ang immortal magkaaway). Napag-usapan
nila kung paano magkakaroon ng kapayapaan ang kanilang bayan, yung walang
masasawi na buhay at ang tanging layunin lamang ang mabuhay ng puno ng
kapayapaan at pagmamahalan.
nag plano ang dalawa
kung sakaling pariho silang lumakas at magamit ang kanilang mga kapangyarihan
ay bubuo sila ng isang bayang mapayapa at ipinangalanan nilang “bayan ng kanoha”.
Sakabila ng lahat ng
mga pagpaplano ang dalawa ay naginsayo ng mabuti upang lumakas at lumabas ang
kanilang tunay na kapangyarihan. Gumagamit sila ng mga iba’t ibang Teknik sa
pagiinsayo nang sagayon ay makatulong ito sa kanilang pagpapalakas.
Umabot ng dalawang
taon ang kanilang pagiinsayo hanggang sa namaster nila ang kanilang tunay na
kapangyarihan. Si madra ay may kapangyarihang kontrolin ang mga bagay bagay sa
kanyang mga nakapaligid, at si hashimanra naman kayang Mabasa ang utak ng tao. Malaya
din nilang nakikita (vision) kung anong nagaganap sa isang lugar. May kapangyarihan
din silang gumamit ng Apoy, Tubig, Kidlat, Buhangin, Bato, at hangin.
Ngunit sa kabila ng
lahat ng kanilang pag-iinsayo. Sila pala’y nasundan ng kanilang grupo at dito nalaman
ng dalawa ang kanilang lahi pala ang immortal na magkaaway. Nalaman ni madra na
ang pumatay pala sa kanyang dalawang kapatid ay ang lahi ni hashimanra, at ang
pumatay naman sa kapatid ni hashimanra ay lahi din pala ni madra.
Dito napagtanto ni
madra na walang silbi ang kanilang pagpaplano dahil immortal na magkaaway ang kanilang lahi. Ngunit
naniniwala parin si hashimanra na mapagtatagumpayan nila ito dahil naabot na
nila ang kanilang pangarap na magamit ang kanilang tunay na kapangyarihan.
Ilang araw na ang nakalipas
ang dalawang magkaibigan ay hindi na nagkikita pa. ngunit patuloy parin ang
pagpunta ni hashimanra sa nagtataasang puno ng santol. Alam kasi ni hashimanra
na magtatagumpay sila dahil kasinglakas na nila ang kanilang ama.
Hanggang sa umabot
ang isang araw, nagsisimula nanaman ang digmaan ng dalawang lahi. Sumali si
madra at si hashimanra sa digmaan upang protektahan ang kanikanilang bayan. Marami
ang nasawi, maraming duguan, maraming pamilya ang Nawala. Hanggang ang dalawa
ay nagharap, walang tigil ang pagmamakaawa ni hashimanra kay madra na itigil na
ang digmaan. Ngunit Malaki parin ang galit ni madra sa bayan na tinitirahan ni hashimanra
(sanju) dahil sa pagpaslang nito sa kanyang dalawang kapatid. Ngunit pariho
lang sila ng nararamdaman dahil ang paborito din niyang kapatid ang pumaslang
sa lahi ni madra (konucha). Sa kabila ng lahat nagpatuloy parin ang labanan hanggang
sa nagkasakitan ang dalawang magkaibigan. Pariho nilang nilabas ang kanilang
tunay na kapangyarihan hanggang sa muntik na masira ang buong lupain dahil sa lakas
na ipinamalas ng dalawa. Umabot ng dalawang oras ang paglalabanan ni hashimanra
at madra. At iisa sa kanilang ang nagwagi sa labanan, natalo ni hashimanra si
madra. Ngunit hindi niya ito pinatay si madra dahil gusto ni hashimanra na
ipagpatuloy ang kanilang plano hanngang sa mabuo ang kanilang ipinangalanang “Bayan
ng kanoha”
Ilang araw ang
nakalipas pagkatapos ng labanan, nagwagi ang dalawang bayan ng “sanju” at “konucha”.
Walang talo dahil ang dalawang immortal na magkaaway ay pinagsama sa iisang
bayan upang magkaisa at dito nagsimula ang kapayapaan ng bawat isa, walang
kaguluhan, walang panggapan kundi totoo ang pagmamahalan ng bawat isa.
Nabuo ang bayan ng “Kanoha”
dahil kay madra at hashimanra. Napagtanto si madra nagawing hari si hashimanra
para mamuno sa kanilang bayan na nabuo. Masyang nagtatapos ang kwentong ito
dahil napagtagumpayan ng dalawa ang kanilang mithiin na bumuo ng mapayapang bayan.
Comments
Post a Comment