Ako Bilang Manunulat - MALIHAING PAGSULAT

 

Ako Bilang Manunulat

"Hindi ka nagsusulat dahil may nais kalang sabihin, Nagsusulat ka dahil ito ay iyong damdamin"

isang katagang may nakatagong kahulugan na kung saan maraming mga kabataan at mga mag-

aaral ang nahihirapan sa pagsulat ng iba't ibang sulatin kaya nagsusulat sila nang hindi mula sa

damdamin, nagsusulat sila dahil gusto at kinakailangan lang kaya naman hindi makita ang kaayusan

at tono ng isinusulat na obra. masasabi kong tulad din ako nito dahil kapag binasa ko ang mga

nakaraang isinulat ko na mga maikling kwento, tula, talumpati o ano pamang mga sulatin na

galing sa damdamin, pananaw at repleksiyon ay para bang nakakaramdam ako ng hiya dahil

nga ang daloy ng aking akda ay watak-watak o walang kaayusan ang kwento at nilalaman.

ngunit habang tumatagal ay para bang nagigilibangan ko na din ang pagsusulat dahil sa mga

nagdaang gawain na binigay. Hindi man ako kagalingan tulad ng iba sa pagsusulat pero kaya

kong sumulat kung saan ako experto. Ang mga gawain din na iyon ang naging dahilan din kung

bakit ako natuto sa pagsusulat. wala sa isip ko na nais kolang sumulat dahil kailangan, kundi

masaya akong nag iisip sa nilalaman ng aking pagsulat. kaya bilang isang manunat wag tayong

mag isip ng mag negatibo na galing sa ating pagsusulat dahil ito ang magiging dahil ng kabiguan

sa ating hilig.

Sa pagdaragdag,Bilang isang manunat taos puso kong ibinibigay ang aking pagsulat hanggang sa

mga makabuo ng isang sulatin. napagdaan ko ang paghihirap na parang nababaliw na ako sa

kakaisip ng obra o kung ano ang bagay sa aking isinusulat, ngunit hindi ako sumuko isang

malalim na paghinga, pagbukas ng damdamin at pagkalma sa sarili upang maging komportable

sa pagsulat ang aking ginawa lara maisaayos ko ang aking pagsusulat. marami ding papel at

tinta ang ang aking naubos ngunit hindi ko isip na ito'y nasayang dahil kasama ito sa aking

pagsasanay upang matuto at maging experto sa pagsusulat. maging ang aking oras na nilaan

mabuo lang aking isinusulat ay ayos lang dahil alam kong ako ay magtatagumpay at

mapagtatagumpayan kopa ang bawat sulatin na aking isusulat.

Sa kabilang ng lahat, kinakailangan lang sa ating pagsusulat ay maging positibo, sumulat na

galing damdamin at kung ano ang ating pananaw sa isang bagay. maging mapanuri tayo kung

ang ating isinusulat ay tungkol sa isyung panlipunan, at higit sa lahat mahalin natin ang

pagsusulat tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili dahil ito'y ating mapagtatagumpayan kung

taos puso natin ibibigay ang ating pagsusulat.

Comments

Popular posts from this blog

"BAYAN NG KANOHA" - MAIKLING KWNETO