Ako Bilang Manunulat - MALIHAING PAGSULAT
Ako Bilang Manunulat "Hindi ka nagsusulat dahil may nais kalang sabihin, Nagsusulat ka dahil ito ay iyong damdamin" isang katagang may nakatagong kahulugan na kung saan maraming mga kabataan at mga mag- aaral ang nahihirapan sa pagsulat ng iba't ibang sulatin kaya nagsusulat sila nang hindi mula sa damdamin, nagsusulat sila dahil gusto at kinakailangan lang kaya naman hindi makita ang kaayusan at tono ng isinusulat na obra. masasabi kong tulad din ako nito dahil kapag binasa ko ang mga nakaraang isinulat ko na mga maikling kwento, tula, talumpati o ano pamang mga sulatin na galing sa damdamin, pananaw at repleksiyon ay para bang nakakaramdam ako ng hiya dahil nga ang daloy ng aking akda ay watak-watak o walang kaayusan ang kwento at nilalaman. ngunit habang tumatagal ay para bang nagigilibangan ko na din ang pagsusulat dahil sa mga nagdaang gawain na binigay. Hindi man ako kagalingan tulad ng iba sa pagsusulat pero kaya kong sumulat kung saan ako experto. Ang mga gawain...